Sabado, Agosto 24, 2013

BOLA

Hello fellas, our topic is about pambobola, yes you heard it right! pero di ko to gawain dahil hindi naman talaga ako marunong mambola. *ehem!


Guys pasensya na sa pambubuking, Girls ayan pag binanggit sa inyo ang mga following lines na yan, alam niyo na may something ok?
Dahil mahal ko ang mga girls, ishare ko lang ang mga lines na ito baka kasi madale este madala kayo sa matatamis na salitang tulad ng mga sumusunod:


Eto Mga Banat ng pangangarir:

Kumportable kasi ako sayo e
(kama?!)

Basta ganon na lang naramdaman ko
(define ‘ganon’)

Iba e... Iba ka
(Alien?)

Ewan ko ba di ko maintindihan bakit gusto kita, di ko maipaliwanag
(unsa man dong?)

Sa yo lang ako nakakapag-open nang ganito.
(at sa kanya and pati na rin kay ano)


Mukhang this time magiging matino na ako.
(pramis???)


Gusto talaga kita noon pa.
(since birth?)

Kahit hindi ako nag-t-text syempre naiisip pa rin kita

Masaya na ko na nakasama kita.

Sana ganito tayo lagi. Enjoy lang.

(sabay kindat)

Syempre seryoso ako!
(galing sa ilong?)

Ang gaan-gaan ng loob ko sa yo.
(diba line to sa isang jingle ng shampoo commercial? “ang gaan-gaan ng feeling...”)

Ha?! Oo, nakikinig ako. Kwento ka lang.
(entertainment?!)

Makita ka lang ok na ako.

(lalo na siguro sa dilim)
Nagpipigil nga ako na magkagusto sayo pero di ko kaya eh.
(di na kaya? itakbo mo na yan sa CR)

Ano bang meron ka at gustong gusto kita?
(alam mo naman eh)

Boys or girls, Like i said wag nyo gamitin ang mga lines na to kung di niyo naman meant ito sabihin, Sa mga girls wag padadala sa matamis na salita, Baka ikapahamak niyo yan, dapat makita mo rin yung effort and sincerity niya sayo ayt? *wink!

Biyernes, Nobyembre 16, 2012

The Real Fingerlicking Good

Hindi ako nag eendorso ng cake. Naaalala ko lang yung chocolate cake ng goldilocks. Nung bata pa ako iyon lagi ang cake ko sa birthday. tapos hindi ko matiis na tapyasin ng daliri ang gilid ng cake. madalas mangyari, bago magkantahan ng "happy birthday to you" ay ubos na ang icing sa gilid ng cake. Ang sarap kasi ng chocolate icing na yun diba? apir tayo kung ginawa niyo din yun noon.